PCG nirescue Chinese na naputulan ng daliri

Sinaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese crew na aksidente ng naputulan ng kaliwang hinlalaki sa Semirara Port, Caluya, Antique.

Sinaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese crew na aksidente ng naputulan ng kaliwang hinlalaki sa Semirara Port, Caluya, Antique.

Ayon sa PCG, agad na nagsagawa ng medical evacuation ang kanilang hanay ng maputulan ng daliri ang 35 anyos na second engineer ng Hongkong-flagged bulk carrier, MV BBG Qinzhou.

Nabatid na naputop ng fan blade o metal ang daliri ng Chinese national.

Galing ng Nansha, China ang barko at patungo sana ng Tanjung Bara, Indonesia nang maganap ang insidente.

Agad naman na nag-deployed ang PCG ng
BRP Kalanggaman (FPB-2404) sa 1.5 nautical miles bg Nogas Island, Anini-y, Antique para saklolohan ang biktima.

Dinala na sa pinakamalapit na ospital ang Chinese national.