PCG, narekober FB Page na na-hack; 3 hacker buking!

Matagumpay na narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Facebook page nito na na-hack nitong Lunes.

Matagumpay na narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Facebook page nito na na-hack nitong Lunes.

Ayon sa PCG, ang kanilang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ay may access na sa naturang Facebook page simula noong 5:45 am ng Huwebes.

Tatlong hacker ang umano’y nadiskubre matapos magsagawa ng backend operations ang PCG sa tulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Ang Facebook name ng tatlong hacker ay sina Fatima Hasan, Murat Kansu at Vicky Bates, ayon sa PCG.

Gumamit aniya ang mga hacker ng malware upang sirain ang seguridad ng Facebook page ng PCG.

Sa Biyernes, magsasagawa ang CICC ng hardware check sa lahat ng office laptop at computer na ginagamit ng mga tauhan ng CGPAS para ma-access ang kanilang mga opisyal na social media platform.