PCG magtatayo ng base sa Catanduanes

Magtatayo ng base sa Catanduanes ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mabantayan ang silangang bahagi ng bansa.

Magtatayo ng base sa Catanduanes ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mabantayan ang silangang bahagi ng bansa.

“The PCG can immediately deploy our assets and drive away watercraft engaged in activities that the Department of Foreign Affairs (DFA) is not aware of,” saad ni PCG Commodore Jay Tarriela.

Aniya, sa ngayon ay nanggagaling pang Subic, Pangasinan, at Visayas ang mga barko nilang nagbabantay sa Catanduanes.

Kaya naman, ang pagkakaroon ng base sa Catanduanes ay magpapabilis ng kanilang operasyon sa naturang lugar.

“The intention of [PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan] is to have a PCG base in Catanduanes to create a jump-off point for our vessels in case of territorial incursions by research vessels or whatever types of vessels of China or any other nationalities,” dagdag pa ni Tarriela.

Kamakailan lamang ay napabalita na may ilang Chinese vessel na gumagala sa karagatang malapit sa Benham Rise, na nasa silangang bahagi ng Luzon.