PCG lalahok sa Balikatan 2024

Sa unang pagkakataon ay lalahok sa 'Balikatan Exercises' ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kapasidad ng Pilipinas na depensahan ang teritoryo nito.

Sa unang pagkakataon ay lalahok sa ‘Balikatan Exercises’ ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kapasidad ng Pilipinas na depensahan ang teritoryo nito.

Ang mga barko ng PCG ay makikiisa sa joint sailing exercises sa paligid ng exclusive economic zone ng bansa, kasama ang mga barko ng US, Australia, France, at Philippine Navy.

“The reason why we do exercises is to demonstrate our capability, kasama ang PCG,” saad ni Balikatan 2024 Executive Agent Col. Michael Logico.

“I do not discount the possibility that it also sends a message to our adversaries, to our friends, to our allies, and also like-minded partners. The message, actually, if you take it into totality is the main goal of the exercise objectives, which is to demonstrate the strength of the alliance and our willingness to defend our territory,” dagdag pa niya.

Hindi naman idinetalye ni Logico ang magiging ruta ng joint sailing exercises.

Magsisimula ang Balikatan sa Abril 22, at matatapos sa Mayo 10.

Bukod sa mga sasakyang pandagat, bibida rin sa pagsasanay ang mga bagong sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas at US.