PCG handa na sa ‘Oplan Biyaheng Ayos’ sa Semana Santa

Patuloy ang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang isasagawang "Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024" simula Marso 23 hanggang Abril 3.

Patuloy ang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang isasagawang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024” simula Marso 23 hanggang Abril 3.

Sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr), kabilang sa paghahanda ng PCG ay ang kanilang pinalakas na pagbabantay sa kapakanan ng mga inaasahang biyahero.

Ayon kay PCG spokesperson Admiral Armando Balilo, mas pinaigting ng ahensya ang pagpatrol sa dagat at sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

“This is to ensure the smooth operations of sea transport facilities, convenient sea travel, and safety of local and foreign tourists in major beach and private resorts amid the anticipated increased volume of maritime traffic,” ani Balilo.

“Coast Guard medical officers will also be deployed to augment existing medical teams during emergencies,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Samantala, nakatutok din ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagsusuri sa kaligtasan ng mga sasakyang pandagat.