PCG dedma sa land reclamation ng Vietnam sa WPS

"They do not engage in harassing our fishermen or illegally deploying coast guard vessels and maritime militia in the waters surrounding our occupied maritime features."

“They do not engage in harassing our fishermen or illegally deploying coast guard vessels and maritime militia in the waters surrounding our occupied maritime features.”

Ito ang depensa ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela sa tanong kung bakit tila walang pake ang PCG sa mas bumibilis na land reclamation ng Vietnam sa Kalayaan Group Islands o Spratly Islands sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa report ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), nakalikha ang Vietnam ng 692 bagong ektarya ng lupa na mas marami kumpara sa 404 ektarya ng lupa noong 2022.

Iginiit ni Tarriela na iba ito sa ginagawa ng China dahil wala naman silang nakikitang “aggression” mula sa Vietnam sa mga Pilipinong mangingisda roon, at naka-focus ang nasabing bansa sa sariling gawain sa lugar.

“Vietnam focuses on minding their own affairs and reclaiming maritime features they occupied before the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the SCS,” dagdag niya.