PCG, BFAR, poproteksyunan mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough

Patuloy ang pagpapamalas ng tikas ng pamahalaan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Patuloy ang pagpapamalas ng tikas ng pamahalaan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pinakahuli dito ang pag-deploy ng mga barko mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Bajo de Masinloc.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ipapadala ng gobyerno ang RP Teresa Magbanua (MRRV-9701) ng PCG at BFAR vessel na BRP Datu Tamblot sa Bajo de Masinloc ngayong buwan upang siguruhin ang proteksyon at seguridad ng mga Pilipinong mangingisda.

Bunsod ito ng patuloy na agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea.

“These efforts aim to ensure the safety and security of our Filipino fishermen in their traditional fishing grounds,” giit ng retired military general.