PBBM: Whole-of-nation approach ang susi kontra iligal na droga

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang private sector at mga mamamayang Pilipino na tulungan ang pamahalaan nito sa pagsugpo sa iligal na droga gamit ang whole-of-nation approach.

Ibang atake ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa laban kontra droga ng pamahalaan nito.

Ayon sa pangulo, whole-of-nation approach ang magiging estratehiya ng Marcos administration upang tuluyan ng masupil ang iligal na droga. Kabilang sa whole-of-nation approach na ito ay prevention, treatment, rehabilitation, at law enforcement.

“We must take a whole-of-nation approach to seriously curb the proliferation of illegal drugs. This includes prevention, treatment, rehabilitation, and law enforcement to ensure that we implement the Philippine Anti-Illegal Drug Strategy and eradicate this health and social menace once and for all,” pahayag ng pangulo sa kaniyang mensahe sa ikaaapat na anibersaryo ng Department of Health-Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa San Francisco, Agusan del Sur.

Dagdag pa ng pangulo sa kaniyang mensahe, na binasa ni DOH Undersecretary Abdullah Dumama Jr. iba’t ibang istratehiya ang kailangan i-implement ng pamahalaan, at kakailanganin nito ng tulong ng private sector pati na rin ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito ay nanawagan si Marcos sa lahat ng Pilipino na tulungan ang pamahalaan na labanan ang iligal na droga.