PBBM walang plano magtayo panibagong ‘US force base’ sa Pinas

Wala pang balak ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magbukas ng karagdagang mga base para United States (US) forces sa Pilipinqs sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Wala pang balak ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbukas ng karagdagang mga base para United States (US) forces sa Pilipinqs sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“The Philippines has no plan to open, (or) to establish more EDCA bases,” saad ng Pangulo sa isang panayam.

Mayroon ng unang limang lokasyon ng EDCA bansa, ito ay ang Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan, at ang Mactan Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

Samantala, matatandaang noong nakaraan ay binigyan ng access ng Pangulo ang US sa apat na karagdagang kampo ng militar sa Pilipinas.

Ito ay ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at ang Balabac Island sa Palawan.