PBBM: Walang Pinoy na malulubog sa baha!

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ginagawa ng gobyerno ang lahat ulang masiguro na walang Filipino ang malulubog sa baha.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ginagawa ng gobyerno ang lahat ulang masiguro na walang Filipino ang malulubog sa baha.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagbisita sa Tagum City sa Davao del Norte, inatasan nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin at tapusin na ang mga flood control project.

“Pagsusumikapan natin na sa mas lalong madaling panahon ay walang Pilipinong nakalubog sa baha at sa kahirapan. Ito po ang Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ginawa ni Marcos ang oahatag matapos ianunsyo ng PAGASA ang opisyal na umpisa ng tag-ulan sa bansa.

“Sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan, kaagapay niyo kami sa pagbangon tungo sa mas maunlad na buhay,” dagdag ng Pangulo.