PBBM wala pang pamalit kay VP Sara sa DepEd

Wala pang napipili si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na kapalit ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.

Wala pang napipili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kapalit ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, sa Hulyo 19 pa magiging epektibo ang pagbibitiw ni Duterte kung kaya wala pang officer-in-charge.

“Sa July 19 pa effectivity ng resignation niya, wala pa OIC,” pahayag ni Garafil.

Matatandaang nagtungo kahapon si Duterte sa Malakanyang para isumite kay Pangulong Marcos ang kanyang resignation letter bilang kaliihim ng Department of Education at bilang vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nagkalamat ang relasyon ni Duterte kay First Lady Liza Marcos nang sabihin nang unang ginang na bad shot na sa kanya ang bise presidente.

Ito ay matapos makita ni First Lady Marcos na tumatawa si Duterte nang sabihin ng kanyang lamang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang rally sa Davao na bangag sa droga si Pangulong Marcos.