PBBM umayuda ng higit P1M sa Bicol

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka at mangingisda na matinding naapektuhan ng El Niño sa Bicol.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka at mangingisda na matinding naapektuhan ng El Niño sa Bicol.

Nitong Biyernes, sinabi ng Pangulo na nasa mahigit P1 milyon ang kanilang inilaan para sa mga apektado sa Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

Aniya, makatatanggap ang mga magsasaka, mangingisda, at ilang pamilya na lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa matinding init na natamasa.

“Ito pong pondong ito ay ipamamahagi natin sa Provincial Government at makatatanggap ng libong piso ang bawat magsasaka, mangingisda, at ilang piling pamilya na lubhang naapektuhan ng tagtuyot na dala ng El Niño,” saad ng Pangulo sa Albay Astrodome sa Legazpi City.

Samantala, nakapagbigay na rin ang Pangulo ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilya sa limang rehiyon sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Northern Mindanao, BARMM, at Davao.