PBBM: Teritoryo ng ‘Pinas base sa int’l law, hindi sa imahinasyon!

Nananatiling nakatindig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) pabor sa soberanya ng Pilipinas hinggil sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Nananatiling nakatindig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) pabor sa soberanya ng Pilipinas hinggil sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Naging highlight ng pangulo sa kanyang talumpati sa 21st edition ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore ang paninindigan ng Pilipinas na ipaglaban ang soberanya hanggang ‘kamatayan’ sa WPS.

“In this solid footing and through our clear moral ascendancy, we find the strength to do whatever it takes to protect our sovereign home — to the last square inch, to the last square millimeter,” sabi ni Marcos.

Aniya, ang UNCLOS na ang nagsabi na may karapatan ang Pilipinas sa katubigan ng South China Sea at marapat lang na irespeto ito ng bansang nakikipilit sa WPS.

“So, the lines that we draw on our waters are not derived from just our imagination, but from international law. We have on our side the 1982 UNCLOS and the binding 2016 Arbitral Award, which affirm what is ours by legal right,” dagdag niya.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang pangulong Pilipino na nagbigay ng keynote speech sa defense summit. Nakasentro ang Shangri-La Dialogue sa mga usapin hinggil sa teritoryo, seguridad, at ekonomiya ng mga bansa sa Asia-Pacific.