PBBM, tama sa pagtapyas sa taripa ng bigas – Salceda

Ayon kay House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, ang pagbabawas sa mga taripa sa imported na bigas ay isang magandang senyales para sa stabilidad ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, ang pagbabawas sa mga taripa sa imported na bigas ay isang magandang senyales para sa stabilidad ng presyo ng bigas sa merkado.

”It’s good signaling for price stability. Of course, if global conditions change, it is within his power to adjust these tariffs,” ani Salceda.

Iginiit ng ekonomistang mambabatas na ang mga hakbang na ito ay kinakailangan, lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng inflation, dahil ang bigas ay isa sa pinakamataas na peryodikong determinante ng inflation, lalo na para sa ating mga kababayang mahihirap.

Binigyang-diin ni Salceda na nasa tamang direksiyon ang ginawang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag ni Salceda na dapat raw palakasin ang mga pagsisikap na suportahan ang domestic rice sector sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na nakapagtamo na ng humigit-kumulang ₱30 bilyon sa isang taon.

Ayon kay Salceda, ang Kamara, sa ilalim ni Speaker Romualdez, ay sumulong na sa mga pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.

Layunin nito na gawing mas tumutugon ang RCEF sa mga pangangailangan ng domestic rice industry, at ibalik ang mga pangunahing kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) para sa availability ng murang bigas para sa mga mahihirap.