PBBM susundan yapak ng ama sa agrikultura

Nais sundan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa larangan ng agrikultura.

Nais sundan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa larangan ng agrikultura.

Dahil dito, nakatakdang suriin ng pamahalaan ang ipinatayo ng kanyang ama na Magat dam sa Isabela upang mas lalo pa itong pagandahin.

Naging malaking pakinabang umano kasi sa mga magsasaka sa Region II ang Magat dam.

“Sa araw na ito ikinararangal ko na sundan ang yapak ng aking ama at dagdag ang lahat ng kanyang nagawa para sa ating mga magsasaka at kanilang mga pamilya,” pahayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Bayan ng Quirino sa Isabela.

Pangako pa ni Marcos, dadagdagan pa niya ang lahat ng nagawa ng yumaong ama sa agrikultura para mas mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.