PBBM, suportado Chiz bilang bagong Senate President

Sinuportahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagkakahirang kay Senador Chiz Escudero bilang susunod na pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sinuportahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagkakahirang kay Senador Chiz Escudero bilang susunod na pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang X account, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang matinding suporta kay Senador Escudero bilang bagong Senate President.

Ayon sa Pangulo, ang track record ni Senador Escudero sa pagbuo ng mga makabagong batas at malalim nitong dedikasyon sa pampublikong serbisyo, ay nagpapatunay na siya ang angkop na lider upang mamuno sa Senado.

Inaasahan ng Chief Executive na sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Escudero, patuloy na iprioriedad ng Mataas na Kapulungan ang pagpasa ng mga batas na makatutulong sa pagpapatupad ng agenda ng “Bagong Pilipinas” na minimithi ng kanyang administrasyon.

Samantala, kinilala rin ng Pangulo ang napakahusay na serbisyo ni dating Senate President Migz Zubiri habang siya ang namuno sa Senado.

TIGNAN: