PBBM suportado ang pag-aalis sa restrictive provisions ng konstitusyon

Ikinatuwa ng Speaker ang papuri ng Chief Executive sa pagsisikap ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan na alisin ang hadlang na pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas.

Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagsuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

Malinaw aniya ang nais ng Pangulo na magkaroon ng pagbago sa mga probisyon sa nagiging balakid sa pagpasok ng mga investors sa bansa.

“The President made it clear that these provisions hinder the entry of foreign investments and the potential for faster and inclusive economic growth, which in turn could translate into a better life for every Filipino,” sabi ni Romualdez.

Ikinatuwa rin ng Speaker ang papuri ng Chief Executive sa pagsisikap ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan na alisin ang hadlang na pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas.

Pinuri rin ni Romualdez ang sinabi ni Pangulong Marcos na ang tanging sinusuportahan nito sa pag-amyenda sa 1987 Constitution ay limitado lamang sa economic provisions at wala ng iba pa.

“At the risk of being makulit, we have been saying that we do not advocate any political amendment,” ani pa ng Speaker.

Dahil sa pahayag na ito ng Pangulo na mistulang tugon sa mga alegasyon na target umano sa pag-amyenda sa Konstitusyon na baguhin at mapahaba ang termino ng mga nanunungkulan.