PBBM sisiguruhin proteksyon ng mga OFW sa Czech Republic

Lalagda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng labor agreement sa kanyang pagbisita sa Czech Republic at Germany.

Lalagda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng labor agreement sa kanyang pagbisita sa Czech Republic at Germany.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elena Algabre na pipirma si PBBM ng Joint Communique para mapaigting ang kooperasyon ng Pilipinas at Czech Republic sa ligtas na migration ng mga overseas Filipino worker, gayundin ang pagsigurong matatamasa ng mga Pinoy ang kanilang karapatan abroad.

Ayon kay Algabre, nais ng Czech Republic na mag-hire pa ng maraming Pinoy na magtrabaho sa kanilang bansa.

“Well, the Filipino workers everywhere, whenever we talk especially from our counterparts in Europe, they really appreciate the work ethic of our countrymen, and their talent and skills – so that’s one. So they do get a premium in terms of recruitment and benefits,” lahad ni Algabre.

“And as far as Europe is concerned, Europe has a problem with its population. A lot of them have a shortage in their working population. And some of them, they have been a boom, say, in the tourism industry, and they know that our skills even in our, you know, our hospitable nature, in our very pleasant attitude at work – lagi tayong nakangiti,” aniya pa.

Sa ngayon ay nasa 7,000 Pinoy ang nakabase sa Czech Republic.