PBBM siniguro suporta para sa mga apektado ng Bagyong Aghon

Pinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo ang mga lokal na pamahalaan, emergency services, at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Aghon.

Pinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo ang mga lokal na pamahalaan, emergency services, at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Aghon.

Sa isang post sa social media, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag at bigyang prayoridad ang kanilang kaligtasan habang ang Aghon ay tumatawid sa mga karagatan ng bansa.

Siniguro ng Pangulo na ang pagkain at iba pang mga kagamitang hindi pagkain, serbisyong pangkalusugan, at mga evacuation center ay lahat na binibigyang suporta upang tulungan ang mga apektadong komunidad.

“Let us all look out for one another, especially the most vulnerable members of our communities. Together, we will get through this storm,” aniya

Sa huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng alas-8 ng umaga nitong Linggo, sinabi nilang may mga 513 pamilya o 2,734 katao mula sa 18 barangay sa Rehiyon 5 (Bicol) at 8 (Eastern Visayas) ang naapektuhan na ng Bagyong Aghon.

Huling namataan ang bagyo na malapit sa bayan ng Mauban, Quezon ang Bagyong Aghon, na tumatawid ng hilaga-kanlurang direksyon sa bilis na 15 km/h, ayon sa huling update ng alas-2 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang tatawid ng Bagyong Aghon ang mainland Calabarzon at ang Polillo Islands sa susunod na 24 oras.

Maaaring humina ang Bagyong Aghon patungo sa isang tropical depression habang nasa mainland Calabarzon dahil sa pag-interact nito sa lupa, ayon sa weather bureau.

Gayunpaman, inaasahan na magiging severe tropical storm ito sa Martes at maaaring umabot sa typhoon category habang nasa loob pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahang lalabas ng PAR ang Bagyong Aghon sa Miyerkules.