PBBM siniguro proteksyon ng prosecutors

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) at sa Department of Justice (DOJ) na siguraduhin ang kaligtasan ng mga prosecutors.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) at sa Department of Justice (DOJ) na siguraduhin ang kaligtasan ng mga prosecutors.

Sinabi ito ng pangulo sa habang sineselyuhan ang DOJ-National Prosecution Service (NPS) Rules on Criminal Investigation sa Malacañang kahapon, Hulyo 10.

“I direct the DOJ and the PNP to recommend ways to help ensure the safety and protection of our prosecutors,” sabi ni Marcos.

Aniya, kinikilala ng pamahalaan ang banta laban sa mga prosecutors dahil sa bigat ng kanilang ginagampanang posisyon sa pagkamit ng hustisya.

“Given this role, we recognize the threats that you face in this line of duty,” saad niya.

“To our prosecutors, you have your work now cut out for you. You are not just gatekeepers but also the shepherds of the highest integrity, ethics, and impartiality in the administration of justice,” dagdag niya.