PBBM sinaluduhan militar sa pagkubkob sa Abu Sayyaf

Sinaluduhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga tauhan ng 11th Infantry Division sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu sa matagumpay na paglaban ng insurgency sa lugar.

Sinaluduhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga tauhan ng 11th Infantry Division sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu sa matagumpay na paglaban ng insurgency sa lugar.

Sa talumpati sa harap ng mga sundalo, sinabi ni Pangulong Marcos na mabawasan na ang banta ng Abu Sayyaf sa lugar..

Panawagan ni Pangulong Marcos sa mga sundalo, huwag maging kampante dahil hindi pa tuluyang nasusugpo ang mga kalaban ng estado.

“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Now, that does not mean that the mission is over. As you can imagine, mayroon pa diyan na papasok na baka gustong mag-organize ulit kaya’t kailangan pa rin nating bantayan,” dagdag ng Pangulo.

Pangako ni Pangulong Marcos, tuloy ang suporta ng administrasyon sa Armed Forces of the Philippines para masiguro ang kapayapaan sa bansa lalo na ang papalapit na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

“Ang assessment na nga ay ‘yung threat is only from individual actors. Wala na silang units na gumagalaw as a unit. They are … basically (neutralized)… We have dismantled their machinery for causing, for bringing terror,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We also spoke briefly about the continuing threat of outside terrorist groups coming in, ‘yung mga Al-Qaeda inspired, ‘yung mga ISIS-inspired na dating nakikita nating pumapasok dito ay mukha namang hindi na … tayo masyadong nate-threaten tungkol sa ganyang klase,” dagdag ng Pangulo.

Tinututukan na rin aniya ngayon ng AFP ang external defense at ang regional threats lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Nagsagawa na aniya ng organizational change ang gobyerno at bumuo ng task force kung saan kasama ang maritime force at Navy para mapalakas ang presensya ng Philippine Coast Guard.

“(I)to ‘yung mga gagawin natin para maging mas secure tayo lalong-lalo na dito sa area ninyo dahil I’m sure that there are many, many instances na mayroon tayong report na mga dumadaan na barko,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, we just have to keep vigilant and to continue to watch what is going on and to make sure that namo-monitor natin lahat ng nangyayari,” dagdag ng Pangulo.