PBBM sa Year of the Dragon: Ituloy ang pagsisikap at positibong pananaw

Dapat din aniyang pagnilayan ang mga tagumpay noong 2023 at gamitin itong inspirasyon para sa pagsisikap na magdadala sa ating bansa sa mas ibayong kaunlaran.

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na magandang kapalaran at kaunlaran ang naghihintay sa bansa sa pagpasok ng Year of the Dragon.

Ito ang mensahe ni Marcos sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong February 10, 2024.

Aniya, kaisa siya ng Filipino-Chinese community sa pagbibigay pugay sa dragon na simbulo ng “power, wisdom and courage.”

Paalala naman ng Pangulo sa mga Pilipino na anumang pangarap at hangarin ay kailangang tapatan ng determinasyon upang maisakatuparan ito.

Mahalaga aniya na isapuso ng lahat ang dedikasyon at ang pagsisikap na mapagtagumpayan ang bawat mithiin.”While it is true that good fortune and prosperity await us, let us take to heart that it is only through our firm commitment and resolve that we can transform our dreams into reality,” dagdag pa ni Marcos.

Dapat din aniyang pagnilayan ang mga tagumpay noong 2023 at gamitin itong inspirasyon para sa pagsisikap na magdadala sa ating bansa sa mas ibayong kaunlaran.

“As one diverse yet united community, may we immerse ourselves in the richness of our cultural identity and lay the groundwork for a more peaceful, harmonious and progressive Philippines. I wish everyone an auspicious and bountiful Chinese New Year,” ayon pa sa Pangulo.