PBBM sa relasyon sa mga Duterte: ‘It’s complicated’

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na komplikado ang kanyang pakikitungo sa pamilya ni ex-president Rodrigo Duterte.

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na komplikado ang kanyang pakikitungo sa pamilya ni ex-president Rodrigo Duterte.

“It’s complicated,” saad ng pangulo nitong Lunes.

Patuloy ang pag-atake ni ex-president Duterte kay Marcos sa kanyang mga rally at press conference. Matatandaang tinawag niya itong ‘bangag’ at ‘drug addict’ ilang buwan na ang nakararaan.

Gayunman, ayon kay Marcos, ‘di nagbago ang koneksyon nila ni Bise Presidente Sara Duterte.

“The one, of course, that I have the most contact with is Inday Sara and how we’re with each other during the campaign. After the election, it hasn’t really changed,” anang pangulo.

“That’s what she always says. I said, ‘Oh, are you all right na you’re in the middle of all of these?’ She says, ‘No, I’ll just work. Don’t worry about it. I’ll just work and work and work and work.’ That’s her attitude,'” dagdag pa ni Marcos.

Sina Marcos at VP Sara ay parte ng iisang partido noong 2022 elections, na tinawag nilang ‘UniTeam.’ Nilampaso ng dalawa ang kanilang mga katunggali noong nakaraang eleksyon.