PBBM sa PNPA graduates: Pagiging techy, gamitin sa serbisyo!

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2024 na gamitin ang kanilang kaalaman sa teknolohiya sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2024 na gamitin ang kanilang kaalaman sa teknolohiya sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

“I challenge you to leverage that technology that you are familiar with to aid in protecting and serving our people, especially in battling cybercrime,” saad ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng “Layag-Diwa” Class ng PNPA sa Cavite.

Ayon sa pangulo, nagiging talamak na ngayon ang krimen na may kaugnayan sa teknolohiya kaya’t hinamon niya ang mga bagong pulis na maging eksperto upang makontra ang mga ito.

“The fight against crime is now a potent mix of gadgets and war rooms, and old-fashioned grunt work, by gritty police officers. To those who will join the BFP (Bureau of Fire Protection) and the BJMP (Bureau of Jail Management and Penology), I expect you to maximize IT to improve your service deliveries while minimizing cost,” wika pa ni Marcos.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinaabot ng pangulo ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos, at hinamonn niya ang mga ito na magsakripisyo para sa bayan.

“Bravely go where you are needed, carry out your mission that your duty requires, and bear any sacrifice your country demands of you. For each one of you, let ‘Layag-Diwa’ be your chart, your compass, in reaching your destiny,” dagdag pa ni Marcos.