PBBM sa pagpili ng nobya ni Sandro: Maging mabuting tao ka lang

Nagbigay ng payo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-30 kaarawan ng kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Nagbigay ng payo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-30 kaarawan ng kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Sa vlog na inilabas ng Presidente nitong Marso 10, Linggo, mapapanood na kasama niya ang kanyang asawa na si First Lady Liza Marcos na magbigay ng payo sa anak.

Ayon kay Presidente Marcos, nararapat lang umano na ipagpatuloy ng anak ang pagiging mabuting tao, lalo na sa paghahanap ng kaniyang magiging katuwang sa buhay.

Kahit wala pa umano itong balak na mag-asawa ay basta’t maging marespeto lamang ito sa kanyang magiging nobya.

“Always be dignified in all the things that you do,” saad ng Pangulo.

“Don’t burn bridges,” pahabol naman ng First Lady.