PBBM sa OFWs: ‘Pinas ‘di isusuko WPS!

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi isusuko ng Pilipinas ang anumang teritoryo nito.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi isusuko ng Pilipinas ang anumang teritoryo nito.

Ito ay gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.

“Nagkakaproblema po tayo ay may ibang bansa sinasabi ‘yung ating teritoryo ay kanila pala. Ngunit asahan ninyo hindi po tayo papayag dahil maliwanag na maliwanag naman na ito ay bahagi ng Pilipinas,’ ani Marcos sa kanyang meet and greet sa Filipino community sa Berlin, Germany.

Sinabi din ng Pangulo na suportado ng Germany ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kaayusan sa South China Sea.

Samantala, nangako din ang Pangulo na sisiguruhin ng kanyang gobyerno na ang lahat ng OFWs ay mapo-proteksyunan at igagalang ang karapatan saan man sila naroroon.

Kasalukuyang nasa Germany si Marcos para sa siang 3-day working visit. Pagtapos nito, bibiyahe naman siya patungong Prague para sa isang state visit sa Czech Republic.