PBBM sa militar: Seguridad sa BARMM 2025 elections, siguruhin!

Pinatitiyak ni Pangulomg Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na magiging mapayapa ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa Mayo 12, 2025.

Pinatitiyak ni Pangulomg Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na magiging mapayapa ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa Mayo 12, 2025.

“Kailangan natin magkaroon ng peaceful na election sa darating na halalan,” pahayag ni Pangulong Marcos sa mga sundalo ng 11th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa Sulu.

“Napakahalaga dahil kailangan nating masabi na nahalal itong mga members of the parliament, na nahala ito nang tama,” dagdag ng Pangulo.

Utos ni Pangulong Marcos, tiyakin na hindi masisira ng terorismo ang karapatan ng mga botante na makaboto.

“Walang terrorism, walang political violence. Basta’t minimized natin lahat ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng parliamentary elections ang BARMM.

“Let us not sit on our laurels kung baga. Let us not become complacent because these are challenges that we will have to manage,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“At alam naman natin na napakalahaga na maganda ang takbo ng halalan, maganda ang pagpatakbo ng BARMM pagakatapos ng halalan,” dagdag ng Pangulo.