PBBM sa mga LGU: Maghanda sa La Niña

Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang lahat ng lokal na pamahalaan para sa La Niña.

Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng lokal na pamahalaan para sa La Niña.

Ito ay dahil umano nakakaranas ang Pilipinas ng “extreme weather” dala ng climate change, na nagdudulot ng sobrang init at sa bandang huli, sobrang ulan.

Ani Pangulo, mahalagang alam ng bawat LGU ang pangangailangan ng mga nasasakupan.

“Extreme weather ang nararanasan natin. Matinding init ngayon at sa mga susunod na buwan naman ay asahan natin ang matindi naman na pag-ulan (We are experiencing extreme weather. Now it’s extreme heat, and in the coming months we are anticipating extreme rainy season),” pahayag ni Marcos sa isang talumpati sa Zamboanga City.

“Kaya naman po, nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga at sa mga karatig-bayan [nito sa] buong rehiyon: Maging handa po kayo sa lahat ng oras. Alamin natin ang pangangailangan ng ating mga nasasakupan at gumawa tayo ng mga programa na tiyak na makakatulong sa ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Samantala, nasa humigit-kumulang na 3.6 milyong Pilipino ang naapektuhan na ng sobrang init sa ngayon.