PBBM sa mga kabataang lider: Makialam kayo!

"Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo, isigaw ninyo."

“Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo, isigaw ninyo.”

Ito ang panghihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kabataang lider mula sa Liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan National Island Representatives.

Sinabi ni Marcos na mahalaga na magbigay ng matalinong opinyon, saloobin at makialam sa mga napapanahong isyu ng lipunan.

Aniya, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga kabataang lider sa pagsasaayos at pagpapanatili ng moralidad sa serbisyo publiko.

“Simple lang ang slogan ng Kabataang Barangay eh, ‘Makialam, makialam,’ Tama ‘yun, dapat ganoon pa rin ang gagawin ng kabataan. Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo, isigaw ninyo. ‘Yung mga matatanda hindi makikinig sa inyo pero pilitin ninyo,” sabi ni Marcos.

“But that kind of intuitive and instinctive knowledge from the youth is what we need. And we are… The future is going to be technology driven and that is why the natural instinct of younger people, when it comes to technology is important. It has to be part of all our thinking. It has to be part of all our planning,” dagdag niya.

Itinatag ang Sangguniang Kabataan sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.