PBBM sa mga ‘drug syndicate’: Aabutan din namin kayo!

Nagbigay ng paalala si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga drug syndicate ngayong Martes.

Nagbigay ng paalala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga drug syndicate ngayong Martes.

Matapos ang isinagawang pinakamalaking drug operation ng administrasyong Marcos, sinabi ng Pangulo na mananagot sa batas ang lahat ng mahuhuling nagbebenta o gumagamit ng iligal na droga.

Aniya, maliit lang ang Pilipinas kaya asahan na madadakip rin ang mga ito sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“Bahala kayo sa ginagawa ninyo basta’t tuloy-tuloy lang kami. Aabutan din namin kayo. Maliit lang ang Pilipinas,” pahayag nito sa isang ambush interview.

Samantala, kasama ni Pangulong Marcos sa isinagawang drug operation sa Alitagtag, Batangas si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ayon kay Abalos, ang nakuhang dalawang toneladang shabu ay ang pinakamalaking operasyon sa kasaysayan.