PBBM sa Kongreso, Senado: 17 priority bills aksyunan!

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas na bigyang prayoridad ang pag-apruba sa mga batas na nauna nang sinertipikahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o (LEDAC).

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas na bigyang prayoridad ang pag-apruba sa mga batas na nauna nang sinertipikahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o (LEDAC).

Ito ang hiling ni Marcos matapos lagdaan nitong Huwebes ang dalawang bagong batas sa Malacañang.

Aniya, naghihintay ang taong bayan na mapagtibay ang mga panukalang batas na tutugon sa pangangailangan at pag-unlad ng buhay ng bawat Pilipino at ng bansa bago matapos ang taon.

“Our people are eagerly awaiting the passage of the 17 priority bills certified by LEDAC–which we will be discussing very, very soon–which if passed and enacted, will steer our national development and improve the conditions of our fellow countrymen,” sabi ni Marcos.

Hinimok ni Marcos ang Kongreso na bilisan, makipagtulungan at makipag-ugnayan ang mababa at mataas na kapulungan upang maipasa ang mga batas.

Kabilang sa mga prayoridad na panukalang batas ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Anti-Financial Accounts Scamming Act, pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill, National Defense Act at iba pa.