PBBM sa DSWD: Ituloy niyo lang ang maganda, sinsero, at tapat na paglilingkod sa mga Pilipino

Bingyang-diin rin ng pangulo na hindi basta opisina ang tanggapan ng DSWD; bagkus, ito ay ang “headquarters of our war against poverty” kung saan nagbibigay ang pamahalaan ng karapatang tulong sa mga nangangailangan.

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. and Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kaniyang talumpati sa ika-73 anibersaryo ng ahensiya nitong Biyernes, Enero 12, sa DSWD Compound sa Batasan Hills, Quezon City.

Kanya naman hinimok rin niya ang lahat ng kabilang sa DSWD na ipagpatuloy pa ang tapat at sinserong serbisyo na walang pagod nitong ibinibigay sa mga kapwa Pilipino—partikular na ang mga nangangailangan.

“You are the country’s social welfare forces always on red alert in a country where distress calls for disaster victims and disadvantaged sectors never end. As you put our people out of harm’s way and onto the road to recovery and a better life, always serve your clientele with care and compassion as you have been doing,” aniya.

Dagdag pa ng pangulo, dapat maglingkod ng may kabaitan at pag-unawa ang ahensiya, na aniya’y marka ng totoong serbisyo publiko.

“Treat them with kindness, with understanding and compassion because that care is a hallmark of public service as well. Empathy goes a long way, empathy that you have demonstrated very clearly in this past year,” sabi pa ng pangulo.

Sinabi rin ng pangulo na hindi basta opisina ang tanggapan ng DSWD; bagkus, ito ay ang “headquarters of our war against poverty” kung saan nagbibigay ang pamahalaan ng karapatang tulong sa mga nangangailangan.