PBBM sa Australian PM: Salamat sa inyong lipunan sa pagtanggap sa mga Pilipino

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa pagtanggap ng kanilang lipunan sa mga Pilipinong naninirahan doon.

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Australian Prime Minister Anthony Albanese matapos makunsiderang maging bahagi na ang mga Pilipino naninirahan doon sa lipunan nila.

“The people-to-people exchanges between our two countries have been significant over the years and once again the Filipino nationals who live in Australia, chosen to go to live there have been, are very happy to have been assimilated properly into Australian society and for that, we are very grateful,” sinabi ni Marcos pagkatapos ang kaninang bilateral meeting ni Albanese.

Tumugon naman si Albanese na mahalaga ang papel ng mga Pilipino sa kanilang Lipunan.

“It is true that the diaspora of course in Australia including in my local electorate and my local community, is very strong and the Filipino-Australian community, a community that makes an enormous contribution to the economic and cultural life— of a multi-cultural nation of Australia,” aniya.

“I’m sure I’ll bring with me the very good wishes of Filipino-Australians to you, Mr. President,” dagdag pa ni Albanese.

Ayon sa gobyerno ng Australia, aabot na sa 310,620 ang mga Pilipinong naninirahan sa kanilang bansa noong Hunyo 2021, 60.9 porsyentong mas mataas kumpara noong Hunyo 2011.

Mga Pilipino na ang ika-limang pinakamalaking migranteng komunindad sa Australia, o katumbas ng 4.1 porsyento ng overseas-born population ng bansa, at 1.2 porsyento ng kabuuang populasyon ng Australia.