PBBM sa ASEAN: Magsama-sama ang mga developing country para sa mas malakas na climate action

Hiniling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na manawagan sa iba pang mga developing country na pa-igtingin ang climate action nila.

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magsama-samang manawagan sa lahat ng developing countries na palakasin pa ang mga commitment nito sa mga polisiya at hakbang kontra climate change.

Ayon sa pangulo, ang mga pagbabago sa klima ang isang malaking balakid sa pag-unlad ng isang bansa.

“The most urgent threat to our progress is the impact of climate change. It is a looming reminder of the injustice of disproportionate impact on our people,” ani Marcos sa plenaryo ng ASEAN Summit na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

“At the upcoming COP28, ASEAN must call on developed countries to heighten the implementation of their commitments. Their commitments that include climate finance, technology development and transfer, and capacity building in order to drive ASEAN’s capabilities to prevent, mitigate, manage and adapt to the impacts of climate change,” dagdag pa niya.

Bibigyang prayoridad pa rin ng gobyerno ang pakikipagtulungan sa kapwa gobyerno upang gawing climate-smart at disaster-ready ang ASEAN.

“In achieving food security, we must build on cooperation that will harness the transformative potential of our agricultural sector to ensure that food production is responsible and will be of benefit for future generations,” paliwanag ni Pangulong Marcos.

“The continued effectiveness of our community-building efforts rests on a clear assessment of our strengths. The Philippines will continue to champion for change that will strengthen our institutions, improve our decision-making, and uphold ASEAN Centrality,” aniya.