PBBM sa Araw ng Kalayaan: Yakapin ang ating pagka-Pilipino!

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na makiisa sa gobyerno sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula June 10 - June 12.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na makiisa sa gobyerno sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula June 10 – June 12.

Sa kanyang video message sa Facebook, sinabi ng pangulo na dapat gisingin ng bawat isa ang prinsipyo ng bayanihan, ng kanilang pagka-Pilipino, at ipagmalaki ang watawat ng Pilipinas.

“Itong Buwan ng Kalayaan, gisingan pa natin ang ating diwa sa pagka-Pilipino. Buhayin ang mga nasyonalismo sa ating dugo at iwagayway ang bandilang Pilipino,” ani Marcos.

Magkakaroon ng mga caravan ang mga ahensya ng gobyerno sa Quirino Grandstand at Burnham Green sa Rizal Park.

“Dapat makilahok tayong lahat sa pagdiriwang na ito,” aniya.

“Sa a-dose ng Hunyo, magkakaroon tayo ng parada ng Kalayaan kung saan dalawampu’t dalawa na float na gawang Pinoy ang paparada. Makikilahok ang iba’t ibang probinsya,” dagdag niya.

PANOORIN: