PBBM sa AFP: Maging handa na ipagtanggol ang bansa!

“We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ, the baseline.”

“We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ, the baseline.”

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng sandatahang lakas ng bansa na hindi interes ng Pilipinas na manguha ng teritoryo ng ibang bansa sa West Philippine Sea ngunit kailangan pa ring maging handa sa kung ano man ang maaaring mangyari sa nasabing katubigan.

Dahil ito mas tumitinding sigalot ng mga bansa sa paligid ng WPS.

Sinabi ng pangulo na dahil mas malapit ang Pilipinas sa Taiwan na “breakaway” province ng China ay mas madagdagan ang bansang maaaring makialam sa nangyayaring hidwaan sa Kalayaan Islands.

“And that is why — the external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. And that is why we have to prepare,” ani Marcos.

“So, that is the mission that you have before you. Now, you have two missions, whereas before it was only internal security,” dagdag niya.