PBBM sa 3 Duterte sa Senado: It’s a free country

Ipinagkibit balikat lamang ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang plano ng mag-aamang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian 'Baste' Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Ipinagkibit balikat lamang ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang plano ng mag-aamang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Sa ambush interview sa Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na isang malayang bansa ang Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Pangulong Marcos na malayo pa ang eleksyon.

“It’s a free country. They’re allowed to do whatever they want. I really have no reaction to it besides, it’s still early,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa tanong kaugnay sa pagtakbong Pangulo ng bansa ni Mayor Baste sa 2028, tugon ni Pangulong Marcos, “We’re talking about 2028, dami pa pangyayari between now and 2028. And the only real situation will become clear sa October, sa filing. Then we will see really kung takbo ba talaga, sino ba talaga tatakbo, sino, kanino sasama, which parties are involved, which parties are in alliance, dun lang natin makikita sa Oktubre so all of this announcements, tingnan natin kung matutuloy pagdating sa Oktubre.”

Una nang inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbong senador sa susunod na eleksyon ang amang si Digong, mga kapatid na sina Congressman Paolo at Mayor Baste.