PBBM, Romualdez, siniguro kaligtasan ngmangingisda sa WPS

Tiniyak ng pamahalaang Marcos at ng liderato ni House Speaker Martin G. Romualdez ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) alinsunod sa bagong polisiya ng China na huhulihin ang sinumang lalayag sa South China Sea.

“Ang ating gobyerno sa pangunguna po ng ating Presidente, Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, at syempre po ng ating Speaker, Speaker Martin Romualdez, ay gagawin po lahat ng kanilang magagawa upang protektahan ang ating mga mangingisda laban sa banta ng China na huhulihin lalong-lalong sa June 15.”

Ito ang sinabi ni Zambales Representative Jefferson Khongkhun sa hearing ng Kamara ng Committee on National Defense and Security and on the West Philippine Sea hinggil sa “gentleman’s agreement” nina former President Rodrigo Roa Duterte at ng China sa Ayungin Shoal.

Dagdag niya, kasama sa paghahanda ng gobyerno ang planong dagdagan ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

“Kailangan natin ipagtanggol ang ating soberanya at ating teritoryo. Nakita naman natin yung deklarasyon ng ating Presidente na hindi siya papayag na any inch ng ating teritoryo ay mapunta sa mga banyaga. So wala tayong isusuko na kahit anong teritoryo sa Tsina,” aniya.