PBBM pwede daw bawiin ‘gentleman’s agreement’ ni Du30 sa China

Maaari umanong bawiin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang ginawang kasunduan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng China.

Maaari umanong bawiin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ginawang kasunduan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng China.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pumasok si Duterte sa isang “gentleman’s agreement” sa China, na nagbabawal sa bansa na magpadala ng mga materyales sa pag-aayos ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay retired Supreme Court Justice Francis Jardeleza, ang naturang kasunduan ay pwede mabawi sapagkat iba na umano ang chief architect of foreign policy ng Pilipinas.

“Ang sabi naman ni Roque ay ginawa ‘yun ni Pangulong Duterte sapagkat gusto niyang may kapayapaan… another president can have another view,” saad ni Jardeleza sa isang panayam.

“Ang Pangulo ang chief architect of foreign policy. May bagong pangulo na tayo,” dagdag pa nito.