PBBM pushes for enhanced partnership with Indonesia in agri, energy, digitalization, supply chain

Isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang pagpapatatag ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa unang araw ng ika-43 ASEAN Summit sa Jakarta.

Sinulong ni P Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-43rd ASEAN Summit ang patuloy na pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Kaugnay nito, binigyang diin ng pangulo ang kahalagahan ng mas matatag na partnership sa pagitan ng dalawang bansa, kapwa sa pampubliko at pribadong sektor, upang upang makahanap pa ng mga makabuluhang negosyo sa iba’t ibang lugar at patuloy na makaahon mula sa pandemya.

“I cannot say now how happy I am to be able to have met with you, some of you again, and to have this opportunity so that we can hopefully explore many areas that we have really not spoken about before but are particularly relevant when it comes to partnerships between our two countries both in the private and the public sectors,” sambit ni Pangulong Marcos said sa isang roundtable ng Association of Southeast Asian Nations-Business Advisory Council kasama ang mga may-ari ng malalaking negosyo.

Partikular na isinulong ni Pangulong Marcos ang kooperasyon at pagtutulungan sa larangan ng agrikultura, enerhiya, digitalization, at supply chain.

Kaugnay rito ay tiniyak ng pangulo sa mga negosyante sa Indonesian na buo ang suporta ng kaniyang pamahalaan sa mga foreign investments sa mga paraang makatutulong hindi lamang para sa Pilipinas, ngunit para na rin sa mga investors at ang kanilang bansa.