PBBM #ProudPinoy sa kampanya ng Gilas sa Olympic qualifiers

Nananatiling proud si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ipinakitang husay ng Gilas Pilipinas kahit pa man bigong makapasok sa 2024 Paris Olympics.

Nananatiling proud si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ipinakitang husay ng Gilas Pilipinas kahit pa man bigong makapasok sa 2024 Paris Olympics.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, pinuri ng pangulo ang ipinamalas na husay at galing ng koponan habang itinataas nito ang bandera ng Pilipinas sa international basketball scene.

“It was a great fight, Gilas Pilipinas! You have made us Filipinos proud and made history!” saad ni Marcos.

“We will always stand behind you in support. Bida ang bayaning manlalaro! #GilasPilipinas #ProudPinoy,” dagdag niya.

Nitong Sabado, Hulyo 6, tuluyang nang nagtapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia matapos talunin ng Brazil sa iskor na 71-60.

Bagama’t bigo sa kanilang kampanya, nakapagtala naman ng panibagong history ang Gilas nang pabagsakin nito ang World No. 6 Latvia, unang pagkakataon na manalo ang koponan laban sa European team sa loob ng 73 taon.