PBBM planong isabay Cha-cha plebiscite sa halalan 2025

Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Lunes ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay sa 2025 elections ang plebisito para sa Charter change.

Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Lunes ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay sa 2025 elections ang plebisito para sa Charter change.

Sa isang ambush interview, ipinaliwanag ni Zubiri na isang dahilan para isabay ang plebisito sa Cha-cha sa halalan ay ang mas maliit na gastusin para sa gobyerno.

“Binanggit niya po kanina yan, mas gusto niya, na magkaroon ng plebiscite in the 2025 elections. Dahil, napaka-klaro, kung gagawin natin ‘yan bago mag-eleksyon [ay] gagastos po tayo ng P12 to P14 billion,” saad ng senador.

At dahil sa planong isabay ang plebisito sa halalan sa 2025, wala umanong dahilan para madaliin ang talakayan para sa mga panukalang pagbabago sa 1987 Constitution.

“We can take this up after the break…complete the resolution and approve the resolution before the sine die break, yung aming target date. Baka sabihin nila, nangako na naman ako. Target date po natin, kasi ang gusto po ng ating Pangulo eventually is to force it to the elections of 2025,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Zubiri na inatasan ng pangulo si Senador Sonny Angara na makipag-ugnayan sa Commission on Elections upang pag-aralan ang posibilidad na magdagdag ng balota sa 2025. Si Angara ang chairperson ng Senate subcommittee on amendments and revision of codes.