PBBM pipigilan destab plot laban sa gobyerno

Nanindigan si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi siya papayag na magtagumpay ang anumang plano ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya papayag na magtagumpay ang anumang plano ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Sa kanyang mensahe sa ‘Talk to Troops’ na idinaos sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro, mariing ipinahayag ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anumang pag-urong sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang bansa at ang kanyang mga mamamayan.

Hinikayat din niya ang mga kasapi ng militar na patuloy na magpakita ng katapatan, tapang, at serbisyo sa bayan, at ipamalas ang kanilang dedikasyon sa pagmamahal sa bansa at sa mga Pilipino.

Bilang paghahanda sa mga modern attacks, ipinakiusap ni Marcos Jr. sa Army 4th Infantry Division na palawakin ang kanilang kaalaman at kakayahan, lalo na sa digital na larangan ng pakikidigma.

Kaugnay nito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglaban sa maling impormasyon at digital na operasyon na maaaring magdulot ng kaguluhan at pagkakawatak-watak sa lipunan.