PBBM, pinasinayan ang pagbubukas ng Healthway Cancer Care Hospital sa Taguig

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH), ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaking bagay ang naturang ospital sa laban kontra kanser.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opisyal na pagbubukas ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) sa Taguig City.

Ang naturang ospital ay bahagi memorandum of agreement sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherland B.V. kabilang na rin ang Varian Medical Systems Philippines Inc.

Isa ito sa mga kasunduang inayos ni Marcos sa kaniyang working visit para sa katatapos lang na Asia-Pacific Economic Cooperation na ginanap sa Estados Unidos.

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng HCCH, ibinida ni Marcos na malaking bagay ang naturang ospital sa laban kontra kanser.

“With the help of the HCCH, we can revolutionize the cancer care services industry in the Philippines through modern and state-of-the-art equipment, coupled with leading medical professionals and oncologists. It will certainly positively reflect on the country’s growing potential as a leading healthcare destination in Asia,” aniya.

BASAHIN RIN: Kampihan kontra kanser! PBBM, Romualdez, ikinagalak ang sanib pwersa ng mga kumpanya para labanan ang paglaganap ng sakit na kanser sa Pilipinas

Kaugnay niyan, hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na magpakonsulta ng regular sa mga community health centers o sa PhilHealth Konsulta, na nag-aalok ng libreng diagnostics examinations at laboratory tests.

Mayroon rin aniyang 25 Specialty Centers in Cancer Care sa iba’t ibang ospital ng Department of Health sa buong bansa.