PBBM pinasalamatan Kongreso sa mga pinasang batas para umunlad Pilipinas

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado at Kamara dahil sa mabilis na pagpasa ng mga batas na sumusuporta sa pag-unlad ng bansa at itinataguyod ang kapakanan ng mamamayan.

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado at Kamara dahil sa mabilis na pagpasa ng mga batas na sumusuporta sa pag-unlad ng bansa at itinataguyod ang kapakanan ng mamamayan.

“There is much still that needs to be done to strengthen our education system, promote social welfare, secure our nation, and move our development forward,” ani PBBM.

“In all of these aspects, we need to work hand-in-hand and I believe Congress has done significantly well in passing key pieces of legislation that support our National Development Agenda,” dagdag ng Pangulo.

Tinukoy ng Pangulo ang mga batas na naipasa, kabilang ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na nagbibigay ng mas mataas na allowance sa mga guro, at ang PENCAS Law na nakatuon sa balanseng economic planning at environmental protection.

Bukod dito, binanggit niya ang paglagda sa Philippine Ecosystem and National Accounting System (PENCAS) Law na nakatuon sa pagbalanse ng economic planning at environmental protection.

Ipinagmalaki din niya ang paglagda sa Eddie Garcia Law na naglalayong protektahan ang libu-libong manggagawa sa industriya ng pelikula at television.

Hinimok ni Pangulong Marcos ang Kongreso na ipagpatuloy ang magandang trabaho.

“Let us act now and let us act quickly so we can build a society that we can proudly bequeath to our children and to our people,” pagpapatuloy ng Pangulo.

“Let us take this chance and continue delivering the best for a brighter tomorrow for all,” paalala ng Pangulo.

Tiniyak naman ni Pangulong na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya upang makamit ang mga pangunahing layunin at programa para sa pag-unlad ng bansa bago matapos ang kanyang termino sa 2028.