PBBM pinasalamatan India sa pagsagip sa mga ‘Pinoy sa missile-hit ship

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. pamahalaan ng India para sa mabilis nitong pagsagip sa mga Pilipinong crew members ng MV True Confidence, ang barkong na inatake ng mga rebeldeng Houthi.

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pamahalaan ng India para sa mabilis nitong pagsagip sa mga Pilipinong crew members ng MV True Confidence, ang barkong na inatake ng mga rebeldeng Houthi.

Matatandaang noong Marso 6, habang naglalayag ang naturang merchant ship sa Gulf of Aden ay pinasabog ito ng mga rebelde.

Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa India sa ginanap na courtesy call ni Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishanka sa Malacañang nitong Martes.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, inaasahan niyang mas lalo pang mapatatag ang samahan ng India at ng Pinas.

“I express my profound gratitude to the Indian government for their swift and decisive action in rescuing Filipino seafarers involved in the MV True Confidence incident,” saad ng Presidente sa Facebook post.

“I look forward to further strengthening our bilateral relations for the mutual benefit of our nations,” dagdag pa nito.