PBBM pinarangalan mga sundalo sa West Philippine Sea

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea sa Puerto Princesa, Palawan.

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea sa Puerto Princesa, Palawan.

Ito ay para alamin ang lagay ng mga sundalo na nagsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre matapos ang panibagong insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Sa talk to troops ni Marcos sa Camp General Artemio Ricarte sa Puerto Princesa, ginawaran ng Pangulo ng Lapu-Lapu Rank of Kamagi award ang 79 sundalo.

Lapu lapu Rank of Kamapilan award naman ang iginawad ni Marcos kay Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo ng Philippine Navy na naputulan ng daliri.

Binigyan din ni Pangulong Marcos ng fruit pack ang mga sundalo.

Habang nagsasagawa ng talumpati si Pangulong Marcos, live itong napanood sa lahat ng WPS detachments.