PBBM pinangunahan ang ceremonial harvesting of palay at distribusyon ng ayuda sa 12,000 FCAs

Tinatayang nasa 12,000 na magsasaka at mga kooperatiba ang nakatanggap ng tulong pang-agrikultural.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ceremonial harvesting of palay at distribusyon ng ayuda sa 12,000 na magsasaka at kinatawan ng farmers cooperative and associations (FCAs) sa bayan ng Candaba sa probinsya ng Pampanga nitong sabado, February 3, 2024.

Kabilang sa tulong ang hauling truck, certified inbred rice seeds, financial assistance, fertilizer discount vouchers, warehouse with mechanical dryer, Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE).

Gayundin ang Repopulation and Clustering Program at agribusiness marketing assistance intervention.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Enero 30, 2024 mayroong 20.06 milyong metriko tonelada ng palay ang inani ng bansa na pinaka-mataas na produksyon sa nakalipas na taon.

Mas mataas ito ng 1.5 percent noong 2022 o katumbas ng 13.2 million metric tons ng bigas dahilan para bawasan ang inaangkat mula sa ibang bansa.

Sa Bagong Pilipinas Kick-off rally noong nakaraang linggo, tinukoy ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng magsasaka at mangingisda upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa.

Kasabay ito ng pangako na palalakasin ang sektor ng agrikultura dahil naniniwala ang Chief Executive na malaki ang papel ng food production sa pag-unlad ng isang bansa.