PBBM pinalakpakan P13.3B shabu na nahuli sa Batangas: Walang patayan!

Nagsagawa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng isang malaking drug operation sa Alitagtag, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Nagsagawa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang malaking drug operation sa Alitagtag, Batangas nitong Lunes ng umaga.

Aabot sa dalawang tonelada ng shabu ang nahili ng kapulisan boong Lunes na may kabuuang halaga na P13.3 bilyon.

Ipinagmalaki ng pangulo na naisagawa ang operasyon nang walang nasasawu o nasasaktan, isang pasaring sa nakaraang administrasyon na notorious sa madugong drug war.

“I would like also to point out, that this is the biggest shipment of shabu na nahuli natin, but not one person died. Walang namatay. Walang nagputukan, walang nasaktan,” saad ng Pangulo.

Aniya, magiging dahan-dahan ang kanilang administrasyon sa pagsugpo sa mga drug syndicate.

“Basta’t in-operate natin nang dahan-dahan. ‘Yun naman dapat ang approach, para sa akin, ‘yun ang dapat na approach sa drug war, na ang pinakaimportante is matigil natin ang pag-ship ng mga drugs dito sa pagpasok sa Pilipinas,” dagdag pa nito.