PBBM: Pinagandang NAIA sasalubong sa mga turista, uuwing OFWs!

Isang mas magandang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sasalubong sa mga turista at uuwing overseas Filipino workers (OFWs) simula sa susunod na taon.

Isang mas magandang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sasalubong sa mga turista at uuwing overseas Filipino workers (OFWs) simula sa susunod na taon.

Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga OFW na nasa Brunei ngayong Martes.

Ayon kay Marcos, pinapaganda na ang mga kalsada, tulay at railway services sa Pilipinas, kabilang na rito ang airport.

“Pagbalik po ninyo sa Pilipinas, we hope to also welcome you to a new and upgraded Manila International Airport as we embark,” lahad ng Pangulo.

Aminado si Marcos na matagal nang napabayaan ang NAIA, kaya naman nakatutok ngayon ang gobyerno para sa upgrade ng naturang paliparan.

“Dahil sinimulan na po natin dahil nakakahiya naman po, yung airport natin, napabayaan na nang husto at pagka yung mga pinag-aaral tungkol sa mga airport hindi maganda po ang report sa airport natin sa Maynila,” wika ni Marcos.

Matatandaan na ibinigay na sa San Miguel Corporation-led consortium ang pangangasiwa at pagpapaganda ng NAIA.